^

Probinsiya

Kawani ng munisipyo dedo sa pamamaril

Arnell Ozaeta - Pilipino Star Ngayon
Kawani ng munisipyo dedo sa pamamaril
Kinilala ang nasa­wing biktima na si Mark Anthony Grit, ng Brgy. Quilib at nakadestino sa Rosario Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office.
File photo

ROSARIO, Batangas, Philippines — Dead on the spot ang 41-anyos na empleyado ng munisipyo ng Rosario ng lalawigang ito matapos barilin ng hindi pa nakilalang suspek sa harap ng palengke, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Mark Anthony Grit, ng Brgy. Quilib at nakadestino sa Rosario Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).

Ayon sa report, alas-5:20 ng hapon, ay nakaupo ang biktima sa kanyang nakaparadang motorsiklo sa parking lot ng Rosario Municipal Public Market nang lapitan at pagbabarilin ng suspek gamit ang kalibre .45 baril.

Ang biktima ay nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Tumakas naman ang suspek na suma­kay sa naghihintay na motorsiklo sa di kalayuan.

Narekober sa crime scene ang siyam na basyo ng kalibre 45 baril.

vuukle comment

MDRRMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with