^

Probinsiya

Mag-asawa lasog sa bus

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kapwa nasawi ang mag-asawa nang sila ay malasog matapos mabundol at makaladkad ng pampasaherong bus nitong Miyerkules sa Maguindanao.

Kinilala ang mag-asawa na sina Gurry Kalugay, at Zalika Gudal-Kalugay, kapwa residente ng Barangay Tual, Paglat, Maguindanao.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Christopher Panapan, hapon ng Miyerkules naganap ang insidente sa tulay ng Barangay Poblacion Buluan Maguindanao.

Lumabas sa imbes­tigasyon ng pulisya, minamaneho ni Gurry ang motorsiklo angkas ang kanyang misis nang bigla na lamang silang mabangga ng kasalubong na Yellow bus liner.

Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ang mag-asawa sa kalsada at pumailalim sa bus saka nakaladkad.

Nagtamo ng matin­ding pinsala ang ulo at katawan ng mag-asawa na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Ang suspek na dri­ver ng bus ay mahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide at damage to property.

vuukle comment

BUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with