^

Probinsiya

Call center agent ni-rape ng titser

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

NORZAGARAY, Bulacan, Philippines — Arestado ang 27-anyos na guro matapos ireklamo ng panggagahasa ng isang dalagang call center agent kamakalawa ng madaling araw sa Brgy. Partida, dito sa bayan.

Sa ulat ni Lt. Col. Cresenciano Cordero Jr., acting chief ng Norzagaray Police, kinilala ang suspek na si Glenn Solis habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Ingrid”, 19-anyos at residente ng Brgy. Encanto, Angat, Bulacan.

Sa imbestigasyon, masaya umanong nag-iinuman sina Ingrid at Solis kasama ang ilan nilang kaibigan sa isang restobar sa nabanggit na bayan pero habang nasa gitna sila ng kasiyahan bandang ala-1:00 ng madaling araw nang makaramdam ng pagkahilo ang naturang biktima. Dito na niyaya ng guro si Ingrid na umuwi ngunit imbes na ihatid siya sa bahay ay dinala ng suspek sa tinutuluyan nito.

Sa loob ng bahay ng suspek, inumpisahan umano nitong halik-halikan ang dalaga hanggang sa hubaran at kalaunan gahasain.  Ipinasok pa umano ang dalawang daliri ng suspek sa puwet ng biktima.

Nang makauwi na ang biktima, isinumbong nito sa kaniyang kuya ang masaklap na sinapit at humingi sila ng tulong sa pulisya kaya agad namang nadakip ang suspek.

vuukle comment

ARESTADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with