^

Probinsiya

Minimum wage sa Cordillera, itinaas na rin

Danilo Garcia, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Minimum wage sa Cordillera, itinaas na rin
Ayon kay DOLE-CAR Regional Director Nathaniel Lacambra, ang bagong minimum wage order ay may go signal na ng RTWPB-Cordillera.
Philstar.com / File

MANILA, Philippines — Itinaas na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang minimum wage sa Cordillera Administrative Region (CAR) makaraang aprubahan ang P50-P60 dagdag sahod ng mga manggagawa sa rehiyon, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) kahapon.

Ayon kay DOLE-CAR Regional Director Nathaniel Lacambra, ang bagong minimum wage order ay may go signal na ng RTWPB-Cordillera.

Sa inilabas ng wage order, ibibigay ng dalawang tranches ang dagdag sahod sa mga manggagawa sa CAR.  Unang itataas ang kanilang arawang sahod ng P30-P40 sa oras na maging epektibo ang kautusan.

Sinabi ni Lacambra na ang ikalawang tranche ay ibibigay sa Enero 1, 2023 kung saan P20 ang ida­dagdag sa sahod sa lahat ng mga manggagawa sa rehiyon para maging P400 ang kanilang minimum wage.

Sa oras na maipatupad lahat ito, aakyat ang minimum wage sa rehiyon mula P350 sa P400 sa Baguio City, Tabuk City at La Trinidad, Benguet, at sa ilang lugar sa rehiyon ay mula P340 patungo sa P400.

Inaprubahan din ng Board ang dagdag sahod sa mga domestic workers o kasambahay sa CAR.

Para sa mga chartered cities at 1st class municipalities sa rehiyon, ang mga kasambahay na tumatanggap ng P4,000 buwanang suweldo ay daragdagan ng P500 habang sa ibang lugar ay daragdagan ang kanilang P3,000 na sahod ng P1,500 para maging P4,500 na rin.

Ayon kay Lacambra, inaantay na nila ang approval ng National Wages and Productivity Commission (NWPBC) sa pagpapatupad ng dagdag sahod matapos nilang isumite ang wage order nitong Lunes ng hapon para sa kaukulang pagsusuri. Magiging epektibo ang wage hike may P15 araw makaraang mailathala ito sa mga pahayagan na may general circulation.

vuukle comment

DOLE

WAGE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with