^

Probinsiya

Antipolo road mishap: 1 dedo, 2 pa sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider habang sugatan ang dalawa pang driver nang magkabanggaan ang kanilang mga sasakyan sa Antipolo City kamakalawa.

Binawian ng buhay habang ginagamot sa Quirino Medical Center ang biktimang si Erwin dela Cruz dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang nilalapatan ng lunas sina Amador Fajardo Jr. at Fabian Jacildo.

Batay sa ulat ng Antipolo City Police, dakong alas-10:30 ng umaga ng Martes nang maganap ang aksidente sa Marcos Highway, malapit sa Unirock, Brgy. Sta. Cruz, ng nasabing lungsod.

Lumilitaw na bago ang aksidente ay binabagtas nina dela Cruz, na sakay ng isang Yamaha Mio Aerox; Fajardo, na nagmamaneho ng isang airport taxi na Toyota Vios (ACG-5533); at Jacildo, na nagmamaneho ng isang Kawasaki Barako II na may sidecar, ang Marcos Highway.

Patungo umano sina Fajardo at dela Cruz sa Masinag mula sa Cogeo, kung saan nauuna ang Sedan ni Fajardo, kasunod ang motorsiklo ni dela Cruz, habang kasalubong naman nila si Jacildo.

Gayunman, pagsapit nila sa naturang lugar, bigla umanong nag-overtake si Jacildo sa isang sasakyan na nasa kanyang harapan, sanhi upang mag-overshoot ito sa linya nina dela Cruz at Fajardo.

Dahil dito, sumabit ang sasakyan ni Jacildo sa Sedan ni Fajardo saka nabangga ang motorsiklo ni dela Cruz.

Sina dela Cruz at Fajardo ay isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center ngunit dahil sa kritikal na kondisyon ay kinailangang ilipat si dela Cruz sa Quirino Medical Center pero binawian din ng buhay.

Si Jacildo naman ay dinala sa East Avenue Medical Center kung saan siya kasaluku­yang naka-confine.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with