^

Probinsiya

Lalaki pinatay ng Bangladeshi, isinilid sa duffle bag

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Lalaki pinatay ng Bangladeshi, isinilid sa duffle bag
Ayon kay P/Staff Sergeant Billy Olalo, may hawak ng kaso, ang ‘di kilalang lalaki  na may katamtamang pangangatawan at may taas na 5’4’- 5”6’ ay nadiskubre sa loob ng isang duffle bag sa loob ng comfort room ng isang apartment sa Avant Garden Subdivision sa Barangay San Roque ng nasabing lungsod nitong Linggo ng gabi.
File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Naaagnas na nang matagpuan ang isang di kilalang lalaki na nakasilid sa isang duffle bag matapos umanong patayin ng isang foreign national saka itinago ang bangkay sa loob ng palikuran ng inuupahang apartment sa Sto. Tomas City, Batangas, ayon sa pulisya kahapon.

Ayon kay P/Staff Sergeant Billy Olalo, may hawak ng kaso, ang ‘di kilalang lalaki  na may katamtamang pangangatawan at may taas na 5’4’- 5”6’ ay nadiskubre sa loob ng isang duffle bag sa loob ng comfort room ng isang apartment sa Avant Garden Subdivision sa Barangay San Roque ng nasabing lungsod nitong Linggo ng gabi.

“The victim was in the state of the decomposition. We are still waiting the result of the autopsy to determine the cause of his death,” pahayag ni Olalo.

Sinabi ni Olalo na ang suspek na nakilalang si Armed Sabuj, 28, isang Bangladesh national at tubong Kajadi Koiyadi, Bhaluka Mymen Singh ay tumakas matapos na mapatay ang naturang biktima na hinihinalang kakilala nito.  Itinago niya ang bangkay sa nasabing CR ng kanyang inuupa­hang apartment.

“The suspect may have known the victim because of how he got to his house,” pahayag ni Olalo.

Ang landlady ng apartment na si Ma. Jovilyn Villa, 45, ay personal na lumutang sa himpilan ng pulisya dakong alas-8:55 ng gabi kamakalawa at inireport ang naturang krimen.

Sinabi ni Villa sa mga pulis na tumawag pa sa kanya ang suspek sa pamamagitan ng cellular phone at inamin nito ang pagpatay sa nasabing lalaki bago niya abandonahin ang inuupahan nitong apartment.

Nagkasa na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang dayuhan at mapanagot sa ginawang krimen.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with