^

Probinsiya

Mag-asawang trader todas sa ambush!

Doris Franche, Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang trader todas sa ambush!
Sa imbestigasyon ni P/SMS Jupiter Paguirigan ng Aparri Police Station, kinilala ang mga biktima na sina Samuel Oandasan Soliven, 73-anyos, at misis niyang si Teresita, 69, kapwa residente ng Brgy. Maura, Aparri.
Miguel De Guzman

MANILA, Philippines — Patay ang mag-asa­wang negosyante matapos tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem kamakalawa ng gabi sa Aparri, Cagayan.

Sa imbestigasyon ni P/SMS Jupiter Paguirigan ng Aparri Police Station, kinilala ang mga biktima na sina Samuel Oandasan Soliven, 73-anyos, at misis niyang si Teresita, 69, kapwa residente ng Brgy. Maura, Aparri.

Sa inisyal na imbes­tigasyon nina P/SMS Jupiter Paguirigan at P/Cpl. Marvin Diaz, ng Appari Police, kasagsagan ng pagbuhos ng ulan at pauwi na umano ang mag-asawa sa kanilang bahay sakay sa kanilang tricycle nang sundan sila ng mga suspek lulan ng isang motorsiklo sa kahabaan ng Rizal Street sa Brgy. Maura dakong alas-8:10 ng gabi.

Bahagyang bumagal umano ang takbo ng tricycle ng mag-asawa nang malapit na sila sa kanilang tahanan, kung saan sinamantala ng mga suspek at agad silang pinagbabaril.

Nagtamo ng mga tama ng bala ang mag-asawa na naging dahilan upang sumemplang ang kanilang sinasakyang tricyle sa harap ng sementeryo.

Mabilis na tumakas ang mga suspek matapos na matiyak na napuruhan ang mag-asa­wang Soliven.

Isinugod sa Charles W. Selbey Memorial Hospital (Christian Hospital) ang mga biktima subalit kapwa sila idineklara na dead-on-arrival dahil sa mga tinamong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para malaman ang motibo sa pagpatay at matukoy ang mga suspek.

vuukle comment

AMBUSH

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with