^

Probinsiya

Empleyado tumilapon sa fishpond, patay

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

HAGONOY, Bulacan, Philippines — Patay ang isang 26-anyos na empleyado ng Handyman sa Robinson’s Place Malolos matapos tumilapon sa isang fishpond habang lulan ng kanyang motorsiklo kamakalawa ng madaling araw.

Base sa ipinadalang ulat ni P/Maj. Neil Cruzado, Hagonoy chief of police kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting Bulacan police director, kinilala nito ang biktima na si Jaypee Paraiso, binata at residente ng Purok Ibayo, Brgy. Mambog, Malolos City.

Base sa kuha ng CCTV, dakong alas-3:00 ng madaling araw habang binabagtas ng biktima ang Purok 4, Abulalas Road ay aksidente umanong nawalan ng kontrol habang minamaneho ang kanyang motorsiklo na naging dahilan ng pagdausdos nito patungo sa fishpond at nagresulta ng kanyang pagkalunod.

Rumesponde ang mga pulis sa lugar at naiahon ang katawan ng biktima sa palaisdaan.

Agad namang dumating ang pamilya ng biktima at kumbinsido ang mga ito na self-accident ang insidente at walang foul play na nangyari.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with