^

Probinsiya

Tinyente, 1 pang parak binugbog ng 7 lalaki

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang tinyente at sarhento ng Philippine National Police (PNP) ang dinala sa pagamutan matapos masugatan nang pagtulungan umanong gulpihin ng isang grupo ng kalalakihan sa harapan ng isang restaurant sa Barangay Camasi, Peñablanca ng lalawigang ito kamakalawa ng madaling araw.

Kinilala ng Peñablanca Police ang dalawang pulis na sina P/Lt. Jeffrey Eguizabal at P/Staff Sgt. Vincent Dam-at, kapwa nakatalaga sa Intelligence Group (IG) ng Regional Intelligence Unit 2 na nakabase sa Tuguegarao City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/SMS Darwin Damaso, pumasok umano ang dalawang pulis sa Serafina Restaurant, kasama ang isa pang hindi natukoy na indibiduwal, para kumain nang maabutan ang nasa pitong lalaki na nag-iinuman sa isang mesa.

Habang kumakain ang dalawang pulis at isang kasama, nagkaroon umano sila ng mainitang pagtatalo sa mga suspek na nasa kalapit na mesa.

Ayon sa pahayag ni  Bert Cristobal, cook ng nasabing restaurant, para makaiwas sa gulo ay umalis umano ang grupo ni Eguizabal subalit sinundan sila ng nasabing grupo sa labas ng restaurant at dito na sila pinagtulu­ngan na gulpihin, dakong alas-12:10 ng ma­daling araw.

Agad na tumakas ang nasabing grupo habang isinugod sa pagamutan ang dalawang pulis matapos magtamo ng pinsala sa kanilang katawan.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with