^

Probinsiya

Nag-swimming sa Bustos dam binatilyo nasapol ng kidlat, patay!

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

BUSTOS, Bulacan, Philippines — Patay ang isang binatilyo matapos tamaan ng kidlat habang lumalangoy sa Bustos Dam sa Barangay Tibagan ng nasabing bayan kamakalawa ng umaga.

Sa ulat kay Col. Charlie A. Cabradilla, acting Bulacan police director ni Maj. Leopoldo L. Estorque Jr., Bustos police chief, kinilala ang biktima na si Reniel Villante Buela ng Barangay Bintog, Plaridel, Bulacan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Bustos Police na habang lumalangoy ang biktima sa tubig ng Bustos Dam dakong alas-9:30 ng umaga kasama ang kanyang mga kaanak, bumuhos ang malakas na ulan na may paminsan-minsang pagkidlat.

Sinabi ni Remedios Mendoza-Villante, lola ng biktima, sa pulisya na tinamaan ng kidlat ang biktima habang bumubuhos ang malakas na ulan.

Agad na dinala ang biktima sa Bustos Community Hospital sa Barangay Poblacion para magamot ngunit idineklarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Ronald Lapuz.

Nagtamo ng malalim na sugat sa ulo ang biktima dahil sa tama ng kidlat.

vuukle comment

KIDLAT

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with