^

Probinsiya

4 ‘holdaper’ arestado sa Pampanga joint ops CAMP

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon
4 �holdaper� arestado sa Pampanga joint ops CAMP
Kinilala ni Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang mga naaresto na sina Rodrigo Olimpo, 37; Dino Drilon, 31; Mark Areston; at Reynaldo Mendoza.
Boy Santos/ File

OLIVAS, Pampanga, Philippines — Apat uma­nong notoryus na holdaper na huling nambik­tima ng isang babae ang nadakip ng pulisya sa ikinasang joint manhunt operations sa Guagua at San Simon, Pampanga, noong Sa­bado

Kinilala ni Brig. Gen. Matthew Baccay, Police Regional Office-3 (PRO3) director, ang mga naaresto na sina Rodrigo Olimpo, 37; Dino Drilon, 31; Mark Areston; at Reynaldo Mendoza.

Ayon kay Baccay, hinoldap ng mga suspek ang biktima na si Jenalyn Sarmiento sa bayan ng Guagua noong Biyernes ng gabi.

Bunsod nito, agad na nagkasa ng manhunt­ laban sa mga suspek ang joint operatives ng Guagua Police, Pampanga Mobile Force Company at Criminal Investigation and Detection Unit-3.

Bunsod nito, ma­ta­­gumpay na nadakip ng mga operatiba sina Olimpo at Drilon sa San Pablo, San Simon habang sina Areston at Mendoza ay natunton sa Barangay Tinejero, Bacolor.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang .45 caliber pistols, isang ca­liber .38 revolver, isang itim na Honda TMX,  isang hand grenade, magnum .22 revolver, cash at alahas  na nagkakahalaga lahat sa P635,000.

vuukle comment

POLICE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with