^

Probinsiya

Siklista inararo ng trailer truck, pisak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Napisak ang isang lalaki matapos araruhin ng isang trailer truck habang nagbibisikleta sa kahabaan ng Centennial Road Intersection, Brgy. Magdalo Potol sa bayan ng Kawit ng lalawigang ito, kamakalawa ng gabi.

Hindi na naisalba pa ang biktimang nakilalang si Ronnie Abad, 31-anyos, residente ng Brgy. Alapan 2A, Imus City, Cavite.

Hawak naman ng pulisya ang driver ng naturang truck na si Aldwin Masong Ruiz, 28-anyos, residente ng Centro Longos, Brgy. Zapote 5, Bacoor City.

Sa imbestigasyon ni Pat. Troadio Balitaosan, may hawak ng kaso, alas-9 ng gabi habang nagbibisikleta ang biktima sa Centennial Road Intersection sa Brgy. Magdalo Potol, nang mahagip ng trailer truck na minamaneho ng suspek.

Ayon sa driver, hindi niya napansin ang biktima at bago pa siya nakapagpreno ay nahagip na niya ito.

Sa tindi ng pinsala, agad na nasawi ang biktima matapos magulungan at mapuruhan sa ulo.

vuukle comment

RONNIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with