^

Probinsiya

2 supporter ni BBM, kinatay ng botante ni Robredo

Edith R. Regalado - Pilipino Star Ngayon
2 supporter ni BBM, kinatay ng botante ni Robredo
Ayon kay Talomo Police Station chief Police Maj. Noel Villahermosa, pulitika ang sanhi ng karumal-du­mal na pagpatay sa nabanggit na dalawang miyembro ng pamilya.
STAR/File

Nag-away sa resulta ng eleksyon

DAVAO CITY – Kalunus-lunos ang sinapit ng isang matandang ama at kanyang anak na babae na sinasabing masugid na tagasuporta ni presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. matapos silang pagsasaksakin ng kinakasama ng huli na supporter naman ni Vice President Leni Robredo sanhi ng kanilang agarang pagkasawi, dito sa lungsod kahapon.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga biktima na sina Panfilo Manrique, 71-anyos, at kanyang anak na si Geraldine, 43, kapwa residente ng Galendez’ boarding house Diamond Village, Barangay Matina Aplaya, ng nasabing lungsod.

Ayon kay Talomo Police Station chief Police Maj. Noel Villahermosa, pulitika ang sanhi ng karumal-du­mal na pagpatay sa nabanggit na dalawang miyembro ng pamilya.

Kinilala naman ang suspek na si Reo Ballenas, 30-anyos, na kinakasama umano ni Geraldine.

Sa imbestigasyon ng pulisya, nagkaroon ng matinding pagtatalo ang mag-live-in partners dahil sa lumabas na resulta ng May 9 polls kung saan si Marcos na bet ni Manrique na may mahigit 31 mil­yong boto ang nanguna sa presidential race laban kay Robredo na siyang ibinoto naman ni Ballenas.

Dahil sa matinding away ng dalawa, sinubukang umawat ng matandang Manrique subalit imbes na tumigil ay pinagsasaksak ni Ballenas ang kanyang hilaw na biyenan at maging ang kanyang kinakasama.

Matapos isagawa ang karumal-dumal na krimen, nagtangkang tumakas ang suspek subalit agad siyang nasukol at naaresto ng mga rumespondeng pulis.

vuukle comment

LENI ROBREDO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with