^

Probinsiya

Puno sinuwag ng kotse: 2 dedo, 1 sugatan

Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon

BAGUIO CITY, Philippines — Da­lawa ang patay habang isang kasamang babae ang malubhang nasugatan nang bumangga ang kanilang sinasakyang kotse sa isang Acacia tree sa national highway ng Brgy. Gongogong sa San Ildefonso, Ilocos Sur kahapon.

Kinilala ng pulisya ang dalawang nasawi na sina Floresto Daynos Tulali, 40, ng Barangay Magnuang, Batac, Ilocos Norte, at Federico Roque Pascual, 29, residente ng Barangay Gongogong, San Idelfonso. Sila ay kapwa idineklarang dead-on-arrival sa ospital.

Nilalapatan naman ng lunas ang isa pang biktima na nakilalang si Khimberly dela Cruz Estabillo, 26, ng Barangay Tabug, Batac, Ilocos Norte.

Sa imbestigasyon ng San Ildefonso Police, dakong alas-4:53 ng umaga nang maganap ang aksidente sa natu­rang lugar. Ang kotse na minamaneho ni Tulali ay patungong norte nang mawalan umano ito ng kontrol sa manibela hanggang sa tuluy-tuloy silang bumangga sa puno sa tabi ng highway.

May kabilisan ang takbo ng sasakyan kaya sa lakas ng impact, nawasak ang unahang bahagi nito sanhi upang maipit ang mga sakay na biktima na nahirapang hugutin ng mga rescuers.

Lumalabas na naka­inom ng alak ang mga biktima nang maganap ang insidente.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with