^

Probinsiya

11 incumbent mayors nahalal muli, 7 pang bago iniluklok sa Tarlac

Ric Sapnu - Pilipino Star Ngayon

TARLAC CITY, Philippines — Nasa kabuuang 11 incumbent mayors sa Tarlac ang muling nama­yagpag matapos magtagumpay sa kanilang re-election bids sa nagdaang 2022 national at local elections.

Sina Mayors Cristy Angeles ng Tarlac City at Elma Macadamia ng San Clemente ay kapwa incumbent at unopposed.

Nagpasalamat si Angeles sa mga tagasuporta sa pagbibigay muli sa kanya ng tsansa na mamuno bilang mayor sa kanilang lungsod at umapela ng “healing” at “unity” sa mga kababayan. 

Sina Nora Modomo ng Sta. Ignacia at Eloy Eclar ng bayan ng Gerona ang nagwagi na mga alkalde via landslide victory sa kani-kanilang bayan.

Nagpasalamat si Eclar sa suporta ng kanyang constituents mula sa simula hanggang sa huling termino nito. 

Kabilang pa sa re-elected mayors sina Venus Jordan ng La Paz; Romeo Ong Capitulo ng San Jose; Estelita Aquino ng Moncada, at Freddie Domingo ng Pura.

Nagtagumpay din na madepensahan ang kanilang puwesto sina Donya Tesoro ng San Manuel, Erlon Agustin ng Camiling, at Max Roxas ng Paniqui.

Samantala, ang kabuuang pitong bayan ay may bagong mayor o local chief executives.

Sa ikatlong distrito, gumawa ng kasaysa­yan si Alice Guo bilang kauna-unahang babaeng alkade ng Bamban habang si Noel Villanueva ay nagbabalik na mayor sa Concepcion. Tinalo naman ng bagitong si Boots Rodriguez ang incumbent sa Capas.

Sa ikalawang distrito, si Rex Villa Agustin ang nanguna sa mayoral race sa Victoria.

Tatlo pang munisipalidad sa unang distrito ang nagluklok din ng mga bagong mayor na kinabibilangan nina Jappy De Dios ng Anao, Celso Banag ng Ramos at Iluminado Pobre Jr. ng Mayantoc.

vuukle comment

ELECTION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with