^

Probinsiya

Pulis bulagta sa sariling boga

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Patay ang isang pulis matapos na aksidenteng pumutok ang kanyang service firearm at tumama ang bala sa katawan nito sa Alfonso, Cavite noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ng Alfonso Police ang nasawing kabaro na si Corporal Steve Eduardo Rollon, nakatalaga sa Dasmariñas City Police Station.

Si Rollon ay idi­neklarang dead-on-arri­val sa Poblete Hospital dahil sa tinamong tama ng bala sa tiyan na tumagos sa kanyang puso.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang nililinisan ng biktima ang kanyang cal. 9mm pistol nang biglang aksidenteng makalabit nito ang gatilyo sa Barangay Upli, bandang alas-8 ng umaga.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy kung may foul play sa insidente.

vuukle comment

BARIL

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with