^

Probinsiya

Nasawi sa Batangas road crash, umakyat na sa apat

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umakyat na sa apat katao ang nasawi sa naganap na salpukan ng kotse at trak matapos makuha ang bangkay ng truck driver makalipas ang limang oras sa Nasugbu,Batangas.

Kinilala ni Lt. Col. Jephte Banderado, Nasugbu police chief, ang truck driver na si Hilario Condez, 49, na nakuha ng mga elemento ng Municipal Management Risk Reduction Council team, Bureau of Fire and Protection at local authorities sa isang search operation sa kahabaan ng Barangay Aga.

Ayon kay Banderado sa inisyal na ulat, tumakas si Condez matapos ang insidente ng salpukan.

Subalit, alas-9:00 ng umaga ay natagpuan ang katawan ni Condez sa ilalim ng 12 wheeler truck na puno ng uling.

Ayon kay Banderado, dahil sa patay na ang driver ang kasong reckless imprudence, resulting to multiple homicide and multiple damage to property ay balewala na.

Magugunita na kamakailan ay nangyari ang insidente nang salpukin ang isang kotse ng trak na minamaneho ni Condez na ikinasawi ng mga sakay ng kotse na kinila­lang sina Roland Adrias, 48; Rochelle Dimaano, 46, at Rachelle Anne Dimaano, 23, kapwa mga residente ng Barangay Luntal, ba­yan ng Tuy. 

vuukle comment

HILARIO CONDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with