^

Probinsiya

Mag-aamang Villafuerte namayagpag sa Camarines Sur

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nadominahan ng mag-aamang Villafuerte, ang maimpluwensiyang angkan ng mga pulitiko, matapos silang magwagi sa katatapos na halalan sa Camarines Sur.

Si 2nd District Camarines Sur reelectionist Rep. Luis Raymund “LRay“ Villafuerte at mga anak nitong sina Miguel Luis o Migs at Luigi ay pawang ipirinoklama na ng Comelec na mga nagwaging kandidato sa kanilang lalawigan nitong Martes ng gabi.

Si LRay ay muling nanalong kongresista sa ikalawang distrito ng kanilang lalawigan sa nakuhang mahigit 100,000 boto samantalang ang bunsong anak nito na si Luigi ay papalit sa kaniyang kapatid na si Miguel Luis bilang gobernador ng kanilang lalawigan.

Nagwagi si Luigi laban kay dating Majority Floor Leader Rolando Andaya Jr. sa 75,981 boto na kalamangan sa katunggali.

Si Miguel Luis naman ay mauupo sa puwesto bilang kinatawan ng ikalimang distrito ng kanilang lalawigan. Natalo ni Miguel Luis ang katunggali nitong si Iriga City Mayor Madel Alfelor sa nakuhang 153,852 boto.

vuukle comment

CAMARINES SUR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with