^

Probinsiya

Trahedya sa daan sa Nasugbu, Batangas Kotse sinalpok ng 12-wheeler truck: 3 dedo!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Trahedya sa daan sa Nasugbu, Batangas Kotse sinalpok ng 12-wheeler truck: 3 dedo!
Kinilala ng Nasugbu Police ang mga biktima na sina Roland Adrias, 48; Rochelle, 46, at Rachelle Anne, 23, pawang may apelyidong Dimaano at residente ng Luntal, Tuy, Batangas.
Graphic by Philstar/John Villamayor

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Tatlong magkakaanak ang kumpirmadong patay matapos salpukin ng 12-wheeler truck ang kanilang sinasakyang kotse sa Nasugbu, Batangas, kahapon.

Kinilala ng Nasugbu Police ang mga biktima na sina Roland Adrias, 48; Rochelle, 46, at Rachelle Anne, 23, pawang may apelyidong Dimaano at residente ng Luntal, Tuy, Batangas.

Ang tatlong biktima ay pawang nagtamo ng matitinding sugat sa katawan sanhi upang ideklara silang dead-on-the-spot sa insidente.

Isinugod naman ang truck helper na si Rolando Recto Jr, 36, sa Apacible Memorial District Hospital upang malapatan ng lunas matapos magtamo ng bali sa kanang binti.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang truck driver na si Hilario Condez, 49, matapos tumakbo at tumakas sa lugar.

Sa imbestigasyon, naganap ang road crash sa may national road sa Sitio Bukaki, Barangay Aga, Nasugbu, dakong alas-4:20 ng madaling-araw. Sakay ang mga biktima ng Mazda Familia,(UUT-378) at bumabagtas sa lugar sa direksyon pa-Manila  nang banggain ng Howo 12 wheeler truck (NGT-9409) na may kargang coal at nasa kabilang lane galing sa Bulacan bound patungong Lian, Batangas.

Lumalabas na nakaranas umano ng aberya ang makina sanhi upang pumalya ang preno nito hanggang sa mawalan ng control ang driver sa manibela.

Sinabi pa ng pulisya na nakahagip muna ng truck ang isang kotseng Ford (VDX-546) bago ito sumalpok sa sasakyan ng mga biktima.

vuukle comment

ACCIDENT

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with