^

Probinsiya

Depektibong VCMs pahirap sa voters sa Quezon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines, Philippines — Mga depektibo at hindi gumaganang Vote Counting Machines (VCMs) ang kinaharap na problema ng mga botante sa ilang bayan at lungsod sa lalawigan ng Quezon kaugnay ng idinaos na National at Local Elections kahapon.

Sa ulat na tinanggap ng Quezon Provincial Comelec, dakong alas-12:00 ng tanghali kahapon ay limang barangay sa lungsod ng Lucena ang nagkaproblema ang VCM sa pamamagitan ng paper jam error.

Hindi gumana ang dalawang mga VCM sa barangay Hinguiwin, Padre Burgos, Quezon, isa sa Macalelon, isa sa San Francisco, isa sa Guinayangan, at isa sa San Andres, Quezon.

Dahil sa depektibong mga VCM ay naapektuhan ang mabilis sanang daloy ng pagboto ng mga botante bagama’t makalipas ang halos kalahating oras ay naremedyuhan naman ng COMELEC ang problema.

vuukle comment

VCM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with