^

Probinsiya

Mag-asawang contractor sa Quezon, arestado

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Mag-asawang contractor sa Quezon, arestado
Ang mga baril at bala na nasamsam umano sa mag-asawang Jacqueline at Miel Tan sa ikinasang search warrant operation ng CIDG operatives sa MJIELConstruction Compound, Sitio NFA Brgy. Madulao, Catanauan, Quezon.
Courtesy: CIDG-Quezon

Mga baril at bala samsam sa CIDG raid

CATANAUAN, Quezon, Philippines — Naaresto kahapon ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang mag-asawang negosyante dahil sa umano’y illegal possession of firearms at ammunitions.

Kinilala ni CIDG director Maj. Gen. Eliseo Cruz, ang mag-asawang suspek na si Meil Yu Tan, 35 at Jacqueline Tan, 38; kapwa contractors at may-ari ng MJIEL Constructions.

Base sa ulat, isinilbi ang search warrant laban sa dalawa ng mga ahente ng CIDG-Quezon sa pamumuno ni Lt. Col. Ariel Huesca, PNP Regional Mobile Force Battalion at Catanuan Police sa bahay ng mag-asawang Tan sa MJIEL Construction Compound, Sitio NFA, Brgy. Madulao.

Ang search warrant ay inisyu ni Calamba City Regional Trial Court, 4th Judicial Region, Branch 36 Judge Glenda Menoza-Ramos dahil sa kasong paglabag sa Republic Act 10591.

Dakong alas-5:30 kahapon ng umaga nang isagawa ang operasyon at narekober mula sa pag-iingat ng mag-asawa ang M16 Armalite rifle, a cal. 40 pistol, a cal. 9mm pistol, a cal. 45 pistol, a caliber Super 38 pistol, 12 gauge shotgun, magazines ng nasabing mga armas, at 1,110 assorted na bala.

Nabatid mula sa source na ang mag-asawang Tan ay supporters at financiers umano ni Quezon Governor Danilo Suarez na tumatakbo laban kay Quezon Rep. Angelina “Helen” Tan.

Kaagad namang dinala sa provincial office ng CIDG-Quezon sa Lucena City ang mag-asawa para sa kaukulang imbestigasyon.

vuukle comment

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with