^

Probinsiya

Special probe team binuo ng PNP sa pinatay na ex-OFW

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

CAMP VICENTE LIM, Laguna – Bumuo ang Calabarzon Police kahapon ng isang Special Investigation team na tututok sa brutal na pagpatay sa isang dating overseas Filipino worker (OFW) na itinapon sa bangin habang sunog at may tama ng bala sa katawan sa Infanta, ­Quezon noong Pebrero.

Iniutos ni Col. Edwin Quilates, deputy regional director for operation, sa Regional Investigation Unit 4A na pinamumunuan ni Col. Francisco Lucena na magsagawa ng malalimang imbestigasyon sa pagpatay sa biktimang si Renalyn Umali, 40, dating OFW.

“We will task the detective team from Investigation Unit to assist the family of the victim and possible to establish a probable cause for the filing of criminal complaint against a police officer, so that, we will order for temporary restrictive custody of a police officer, “ pahayag ni Quilates.

Sa isang weekly program na “Calabarzon Police at your Service”, iniutos din ni Quilates sa Laguna Police na magbigay ng security sa pamilya ni Umali dahil sa umano’y natatanggap na pagtatangka sa kanilang buhay.

Tiniyak ni Quilates kina Renita Cornejo, 50, at Juanita Fulgencio, kapatid at ina ng biktima, para sa agarang paglutas sa murder case ni Umali,.

Sa isang pulong, tinukoy ni Cornejo na si S/Sgt. Ronnel Aguilar ng Laguna Police ang pumatay umano sa kanyang kapatid.

Ayon sa pamilya, si Umali ay huling nakitang buhay noong Pebrero 9 habang patungo sa bayan ng Alaminos upang makipagkita kay Aguilar, na umano’y boyfriend nito. Mula noon, hindi na nakauwi sa kanilang bahay ang biktima.

Nakatanggap naman ng phone call ang pamilya mula sa Infanta Police at ipinaalam sa kanila na natagpuan ang bangkay ni Umali sa Sitio Korosep sa Barangay Magsaysay noong Pebrero 15, 2022. Sunog ang katawan ng biktima at may tama ng baril bago inihulog sa bangin upang itago ang krimen.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with