^

Probinsiya

250K katao dumagsa sa grand rally BBM inindorso ni GMA sa Pampanga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

SAN FERNANDO CITY, Pampanga, Philippines — Ilang araw bago ang May 9, 2022 national election, inindorso ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo (GMA) ang kandidatura ni Partido Fe­deral ng Pilipinas (PFP) presidential frontrunner Ferdinand “ Bongbong” Marcos Jr. sa harapan ng humigit kumulang sa 250,000 supporters na dumalo sa UniTeam festival rally sa lungsod na ito nitong Biyernes ng gabi.

Si Macapagal Arroyo, dating House Speaker ay una nang idineklara ang solidong pag-iindorso kay Lakas- CMD vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte.

Sinabi ni Arroyo, president emeritus ng Lakas-CMD, na si Marcos ay iniindorso rin ng maimpluwensiyang angkan ng mga Pineda sa pangunguna ng tandem ng mag-inang sina Pampanga Gov. Dennis Pineda at Vice Gov. Lilia Pineda, at ng 20 pang alkalde ng Pampanga.

“Mahal kong mga cabalen (kababayan), Kapampangan mga kaibigan, sa ngalan ni Governor Delta Pineda, sa ngalan ni Vice Governor Nanay Baby Pindea, sa ngalan ng apat na congressmen ng Pampanga, sa ngalan ng dalawampung mayor ng Pampanga, ito na po ang susunod na Pangulo ng Republika ng Pilipinas, Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,” pahayag ni Arroyo sa festival rally sa Robinsons grounds sa lungsod na ito.

Pinasalamatan naman nina Marcos at Duterte ang mga Kapampangan sa mainit na pagtanggap at pagsuporta sa kanila.

Ang 11 UniTeam senatorial candidates na sina Herbert Bautista, Win Gatchalian, Loren Legarda, Migz Zubiri, Gibo Teodoro, Harry Roque, Larry Gadon, Jinggoy Estrada, Geingo Honasan, Mark Villar at Robin Padilla ay dumalo sa nasabing campaign rally.

Hiniling ni Duterte na kapag sila ay ibinoto, iboto na rin ng straight ang 11 UniTeam senatoriables.

vuukle comment

BONGBONG MARCOS

GMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with