^

Probinsiya

Bosero ng ginang, natiklo ni mister

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GAPAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang isang binata na nahuling namboboso umano sa isang naliligong 31-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) na ginang sa Barangay Maburak ng lungsod na ito, noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col. Alexie Desamito, hepe ng pulisya rito, ang suspek na si Marlou Samson alyas “Arlou”, 24-anyos, at farm helper ng Brgy. San Carlos, Cabiao, NE.

Nabatid sa ulat na alas-9:10 ng gabi, naliligo ang ginang na si Elaine Suba nang makita umano niya sa bintana ang suspek na nakatingin sa kanya at binibidyuhan ang kanyang paliligo sa hawak na cellphone nito.

Dahil dito, nagsisigaw ang biktima at dito ay dagli namang lumabas ng bahay ang hindi nagpakilalang mister nito na siyang humuli sa suspek. Kinapkapan umano ng mister ng biktima ang suspek at nakuha ang ginamit na cellphone ng suspek at isang ziplock plastic sachet na may laman umanong pinatuyong dahon ng marijuana.

Hindi nagtagal ay dumating din ang mga mi­yembro ng bantay bayan ng barangay na siyang nagturn-over kalaunan ng suspek sa pulisya.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9995 o Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009 at RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 dahil sa nakuhang 5.30 gramo ng marijuana, na nagkakahalaga ng P636 laban sa suspek.

vuukle comment

OFW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with