Tserman,tinodas habang nanonood ng basketbol
BANGUED, Abra, Philippines — Isang barangay tserman ang namatay matapos na malapitang barilin habang nanonood ng basketbol sa isang covered court ng Brgy. Angad, ng lalawigang ito.
Namatay noon din ang biktimang si Ronnie Bermudez Bringas, 45, may-asawa,tserman ng nasabing barangay dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Nabatid na nanonood ng basketball tournament sa covered court ng kanilang barangay ang kapitan nang barilin ng hindi nakilalang suspek na nakasuot ng itim na jacket, kulay black na cap, at black tube mask.
Hinabol ng mga residente ang suspek na sumakay ng motorsiklo hanggang sa ito ay bumagsak umano sa tabi ng kalsada.
Gayunman, nagawa pa rin makatakas ng suspek,pero naiwanan naman nito ang ginamit na motorsiklo.
- Latest