^

Probinsiya

P136 milyon shabu nasabat sa 3 drug supplier sa NCR

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
P136 milyon shabu nasabat sa 3 drug supplier sa NCR
Nagsagawa ng imbentaryo ang mga awtoridad sa may P136 milyong shabu na nasabat sa tatlong naarestong drug suppliers sa ikinasang operasyon sa Molino Boulevard, Brgy. Mambog VI, Bacoor City, Cavite kamakalawa ng gabi.
Cristina Timbang

CAVITE, Philippines — Umaabot sa halagang P136 milyong shabu ang nasabat ng mga awtoridad sa tatlong hinihinalanag drug traffickers na pinanggalingan umano ng supply ng illegal na droga sa National Capital region (NCR) at Cavite sa ikinasang drug operations sa Molino Boulevard, Brgy. Mambog VI, Bacoor City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga suspek na sina Isaac Gabriel Paydon Ambulo, 29; kapatid nitong si Roman Hosias, 25; kapwa residente ng Quiapo, Manila, at kanilang tiyuhin na si Abdurrahim Disomimba Ambulo, 41, may asawa, residente ng San Fernando, Pampanga.

Tinutugis naman ng pulisya ang dalawa pa na nakatakas sa operasyon na sina sina Saddam Hadji Gaffor at Nabil Madarang,

Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Arnulfo G Ibañez, alas 6:15 ng gabi nang ilatag ng pinagsanib na puwersa ng Special Operations Unit ng NCRPO, PNP-Drug Enforcement Group (DEG), SOU-4A, SDEU, Bacoor City Police, Provincial-DEU, Cavite Provincial Police Office  RID, RDEU, RSOG-PRO 4A, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), RFU PRO4A, RIU 4A, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-NCR at PDEA-4A ang drug bust laban sa mga suspek.

Dumating ang mga suspek sa lugar sakay ng silver na Honda Civic (ZDJ 368) para makipagkita sa ka-deal na poseur buyer. Nang magpositibo ang transaksyon, sumenyas ang buyer sa mga nakakubling kasamahan saka agad na pinalibutan at inaresto ang mga suspek.

Narekober sa tatlo ang mahigit sa 20 kilo ng shabu na aabot sa halagang Php136,000,000,  boodle money na ginamit sa buy-bust money, ang naturang sasakyan ng mga suspek, iba-ibang IDs, ilang dokumento at dalawang cellular phone.

Ayon sa pulisya, ang mga suspek ay isa sa source ng pinakamalaking shabu dealer na nagdi-distribute ng droga sa lalawigan ng Cavite at NCR. Kasama rin sila sa listahan ng mga target ng awtoridad sa “Coplan Ranger”. - Doris Franche

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with