^

Probinsiya

Ginang nadaganan ng jeep, dedo

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

BUENAVISTA, Quezon, Philippines — Patay ang isang misis makaraang madaganan ng passenger jeepney na bumaligtad kamakalawa ng gabi sa Barangay Maligaya sa bayang ito.

Ang biktima na naisu­god pa sa Rural Health Unit (RHU) subalit namatay din kinalauan dahil sa tinamong grabeng pinsala sa ulo at katawan ay kinilalang si Gina Gonzales, 49, may asawa ng Barangay Masaya.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang biktima ng pampasaherong jeep na minamaneho ni Kosari Abas, 41.

Habang bumabagtas umano dakong alas-6:00 ng gabi sa paahong bahagi ng kalye ang jeep ay pumara ang biktima at nang bababa na siya ay nawalan naman ng kontrol sa manibela at preno ang driver na naging sanhi upang umatras ang sasakyan at bumaligtad patungo sa sapa.

Sa kamakalasan ay naatrasan at nadaganan ang biktima na kanyang ikinamatay.

Pansamantalang nasa kustodya ng pulisya ang tsuper ng jeep at nahaharap sa mga kaukulang asunto. 

vuukle comment

AKSIDENTE

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with