^

Probinsiya

Motor sinuwag ang puno: Driver dedo, 1 sugatan

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Isang binata ang nasawi habang nasa kritikal na kondisyon ang kanyang kasamahan matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa isang puno ng kahoy  sa Brgy. Marabulig 1, Cauayan City ng lalawigang ito, kamakalawa.

Kinilala ng Cauayan City Police ang nasa­wing biktima na si Bonnie Miguel, 21, habang ang kanyang backrider ay nakilalang si John Emil Magana, 17, residente ng Barangay Malalinta sa bayan ng San Manuel sa nasabing lalawigan.

Sa inisyal na imbestigasyon, unang nakipag-inuman sa dinaluhang okasyon ang dalawang biktima at nang bibili sana sila ng alak at sigarilyo ay aksidenteng sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa punongkahoy.

Nasawi si Miguel ma­ta­pos magtamo ng mga sugat sa ulo at iba pang bahagi ng kanyang katawan habang si Magana ay kasalukuyang inoobserbahan sa isang pagamutan matapos isugod ng mga rumespondeng tauhan ng Rescue 922. 

vuukle comment

AKSIDENTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with