^

Probinsiya

Drug ops ng PDEA at Cavite Police Big-time pusher timbog sa P2 milyon shabu

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalaglag sa kamay ng pulisya ang isang big-time drug pusher na kabilang sa listahan ng mga high value individuals (HVIs) sa isinagawang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Cavite Police kamakalawa ng gabi sa Brgy. Salawag, lungsod ng Dasmariñas.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Alnor Haron Macarampat, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Salawag, Dasmariñas City.

Sa nakalap na ulat mula kay P/Cpl. Wilfredo Villanueva Jr., dakong alas-10:20 ng gabi nang magkasa ng buy-bust operation ang pinagsa­nib na puwersa ng Police Drug Enforcement Unit (DEU), Cavite Provincial Police Office, Station Drug Enforcement Unit at ­Dasmariñas City kung saan target ang suspek sa Batangay Scalawag.

Bago isagawa ang buy-bust, nabatid na ilang araw nang isinailalim sa surveillance ang suspek na kilalang bigtime drug pusher sa nasabing lugar.

Nang magkaabutan ng droga at marked money, agad na dinakip ang suspek at narekober sa kanya ang tatlong plastic na naglalaman ng mga shabu na aabot sa mahigit 300 gramo at may halagang P2,070,000 at mga perang ginamit sa operasyon. - Mer Layson

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with