^

Probinsiya

Mag-asawa dedo, anak sugatan sa road mishap sa Tagaytay

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Patay ang mag-asawa habang su­gatan ang kanilang anak na dalagita makaraang mawalan ng giya ang sinasakyang Tamaraw FX at dalawang beses na sumalpok sa mga barriers bago tumumbok sa nakaparadang van sa kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway, Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City, kamakalawa ng gabi.

Dead-on-the-spot ang mga biktimang sina Joseph Ramos Estrella, 33-anyos, driver ng Tamaraw Fx at misis nitong si Verna, 35; habang inoobserbahan sa ospital ang anak nilang si Zaimin; pawang residente ng Brgy. Santo Niño 2, Dasmariñas City, Cavite.

Sa imbestigasyon ni P/Staff Sgt. Joseph Ryan Bascugin, alas-11:20 habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway lulan ng Toyota Tamaraw FX (TPW-719) na si Joseph at may ka­bi­lisan sila ng takbo nang biglang mawalan ng control sa manibela ang nasabing mister.

Dahil dito, mabilis na nagpa-ekis-ekis ang saksakyan hanggang sa makabig ng driver patungo sa kabilang lane ng kalsada at sinagasaan ang mga plastic at concrete barrier bago rumampa sa konkretong pathway. Nagdire-diretso pa itong sumalpok sa nakaparadang Toyota Hi-ace Commuter Van (NFT-9070) na minamaneho ni Rodjim Jan Platon, 24 anyos, ng Naval Station Fort Bonifacio Taguig City.

Sa tindi ng pagkakasalpok, wasak na wasak ang sasakyan at patay agad ang mag-asawa na magkatabi sa driver’s seat.

vuukle comment

ROAD MISHAP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with