^

Probinsiya

Turista, stude timbog sa P2.7 milyon ‘damo’

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

TABUK CITY, Kalinga, Philippines — Isang turista at isang estudyante ang nakumpiskahan ng mahigit sa P2.7 milyon na halaga ng marijuana matapos masakote sa magkahiwalay na ope­rasyon sa Cordillera, kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang mga nadakip na suspek na sina Rosendo Don Tadeo, 24, isang lokal na turista mula sa Quiapo, Manila at Jeboy Amangan, 22, residente ng Agbannawag, Tabuk City.

Nasakote si Tadeo habang bitbit ang tatlong backpack na puno ng marijuana bricks na may timbang na 13.021 kilo na nagkakahalaga ng P1.5 milyon sa bahagi ng Sepulcher Street, Brgy. Poblacion, Bontoc.

Samantala, dinakip ng mga pulis ang suspek na si Amangan sa ikinasang buy-bust operation sa Sitio Pakak, Agbannawag, Tabuk City.

Nakuha sa estudyanteng suspek ang nasa 10 bricks ng marijuana leaves at stalks na may bigat na 10,000 gramo at nagkakahalaga ng P1.2 milyon at karagdagan na 50 gramo na dried marijuana leaves at stalks na umaabot naman sa P6,000 ang halaga.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with