^

Probinsiya

Plantasyon ni-raid, P15 milyong marijuana winasak

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Plantasyon ni-raid, P15 milyong marijuana winasak
Ayon sa report ng Ting­layan Police, umabot sa 75,000 na puno ng malalaking marijuana ang winasak at sinunog ng pinagsanib na puwersa ng Tinglayan police katuwang ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit (PDEU/PIU) Kalinga PPO, RID/RDEU PROCOR, 141 SAC, at 1503rd RMFB sa dalawang malawak na taniman sa Barangay Butbut Proper at Barangay Loccong sa Tinglayan.
Miguel de Guzman, file

TABUK CITY, Kalinga, Philippines — Habang ginugunita ng mga Kristiyano ang araw ng kamatayan ng Panginoong Jesus, abala naman ang mga awtoridad sa pagwasak sa taniman ng marijuana na tinatayang nasa P15 milyon ang halaga sa bayan ng Tinglayan ng lalawigang ito nitong Biyernes Santo.

Ayon sa report ng Ting­layan Police, umabot sa 75,000 na puno ng malalaking marijuana ang winasak at sinunog ng pinagsanib na puwersa ng Tinglayan police katuwang ang mga operatiba ng Provincial Drug Enforcement Unit/Provincial Intelligence Unit (PDEU/PIU) Kalinga PPO, RID/RDEU PROCOR, 141 SAC, at 1503rd RMFB sa dalawang malawak na taniman sa Barangay Butbut Proper at Barangay Loccong sa Tinglayan.

Sa pagtaya ng Dange­rous Drugs Board (DDB), mahigit P15,000,000 ang halaga ng mga nadiskubreng taniman ng marijuana sa pamamagitan ng high-tech na kagamitan ng mga awtoridad.

Walang nahuling mga cultivators nang isagawa ang pagsalakay.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with