^

Probinsiya

Starex van hulog sa bangin: 4 patay!

Joy Cantos, Victor Martin, Artemio Dumlao - Pilipino Star Ngayon
Starex van hulog sa bangin: 4 patay!
Kinilala ng Tabuk City Police ang mga nasawi na sina Marcelo Banggawan, driver ng van; mga sakay nitong mag-asawang sina Marivic at Marvin Sagyaman, 27 anyos at anak nilang si Azrel, 12-anyos; pawang residente ng Brgy. Sakpil, Conner, Apayao. Sila ay idineklarang dead-on-the-spot sa insidente.
STAR/File

BAGUIO CITY, Philippines — Apat na miyembro ng isang pamilya ang kumpirmadong patay matapos na mag-dive ang kanilang sinasakyang puting Starex van sa malalim na bangin sa may Chico River sa Sitio Gonogon, Bagumbayan, Tabuk City, Kalinga kahapon ng umaga.

Kinilala ng Tabuk City Police ang mga nasawi na sina Marcelo Banggawan, driver ng van; mga sakay nitong mag-asawang sina Marivic at Marvin Sagyaman, 27 anyos at anak nilang si Azrel, 12-anyos; pawang residente ng Brgy. Sakpil, Conner, Apayao. Sila ay idineklarang dead-on-the-spot sa insidente.

Sa imbestigasyon, nanggaling ang nasa­bing pamilya sa Barangay Lubon, Tadian, Mountain Province at pauwi na sa kanilang bahay sa Apayao nang maganap ang insidente.

Aksidente umanong sumalpok sa gilid ng kalsada ang sinasak­yang van ng mga biktima na naging dahilan para tuluyang mahulog sa 150 metrong lalim ng bangin sa bahagi ng Chico River dakong alas-4:00 ng umaga.

Agad nagsagawa ng search and retrieval ope­ration ang mga kagawad ng pulisya kabilang ang ilang mga residente, rescue team at volunteers para sa mga biktima na isa-isang iniahon sa matarik na bangin.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente.

vuukle comment

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with