^

Probinsiya

Babae tumanggap ng P27 milyong shabu package, tiklo

Cristina Timbang, Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Babae tumanggap ng P27 milyong shabu package, tiklo
Kinilala ang naarestong suspek na si Leonila dela Cruz, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Aguado, sa Trece Martirez City.
STAR/ File

Sa controlled delivery ops ng PDEA 

MANILA, Philippines — Isang babaeng drug suspect ang naaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang controlled delivery operation na ikinasa sa Trece Martirez City sa Cavite na nagresulta rin sa pagkakakumpiska ng may apat na kilo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P27 milyon kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang naarestong suspek na si Leonila dela Cruz, nasa hustong gulang at residente ng Brgy. Aguado, sa Trece Martirez City.

Batay sa ulat, dakong alas-8:00 ng gabi nang maaresto si Dela Cruz sa kanyang tahanan ng magkasanib na puwersa ng PDEA-Regional Office (PDEA-RO) III kasama ang Pampanga provincial office bilang lead unit; PDEA RO IV-A; Drug Interdiction Task Group-Bureau of Custom, Port of Clark; PDEA-Cavite at Trece Martirez police.

Nang tanggapin ng suspek ang bagahe na naglalaman ng ilegal na droga ay agad siyang inaresto ng mga ahente. Narekober mula sa suspek ang may apat na kilo ng hinihinalang shabu na tinatayang nagkakahalaga ng may P27,600,000.

Nagsasagawa pa ang mga awtoridad ng imbestigasyon hinggil sa “source” at “supplier” ng naturang ilegal na droga.

vuukle comment

PDEA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with