^

Probinsiya

2 ginang tiklo sa P20.4 milyong shabu

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
2 ginang tiklo sa P20.4 milyong shabu
Si Nueva Ecija Police Provincial Director Jess Mendez habang binubusisi ang mga nasamsam na umano’y shabu at ang naaresto na 2 dayong babaeng suspek.
Christian Ryan Sta. Ana

MANILA, Philippines — Naaresto ang dalawang babaeng sinasabing notoryus na tulak at nasamsaman ng higit sa P20.4 milyong halaga ng hinihinalang iligal droga sa ikinasang buy-bust operation sa Nueva Ecija, kamakalawa.

Kinilala ang mga ­arestadong suspek na sina Sittie Pindatun, 30; at Nor-Ain Bilal, 26, kapwa residente ng Brgy. H-2, Dasmariñas, Cavite.

Naaresto ang dalawa sa pinangsanib na pwersa ng PPDEU/PIU- NEPPO (Lead unit), CIDG PFU Nueva Ecija, PDEA RO3 N.E., Cabanatuan CPS, 1st at 2nd PMFC, RID3 at RDEU 3, sa Lakewood Subdivision, Barangay Sumacab Este, Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Nasamsam sa mga suspek ang 12 malalaking pakete ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng nasa humigit kumulang sa tatlong kilo at nagkaka-halaga ng nasa halos P20,400,000.

Narekober din sa mga suspek ang umano’y (1) genuine Php1,000.00 peso bill at (19) na bundles nang Php1,000. 00 peso bill na ginamit bilang boodle money, at (2) smart cellular phones na umano’y ginagamit sa pakikipagtransaksyon sa kanilang mga parokyano. — Doris Franche

vuukle comment

ARESTADO

CIDG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with