^

Probinsiya

Higit 7K estudyante lumahok sa face-to-face classes sa Lucena

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines - Umabot na sa 7,878 na mga mag-aaral at 1,200 teaching at non-teaching personnel ang lumahok sa pinalawig na limited face-to-face classes sa lungsod hanggang kahapon.

Masayang sinalubong ng mga mag-aaral at guro ang bagong linggo matapos payagan ng Department of Education (DepEd) ang muling pagbubukas ng 58 pampublikong paaralan at isang pribadong paaralan.

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Schools Division Superintendent Dr. Hermogenes Panganiban sa mga teaching at non-teaching personnel na sumunod sa mga interim guideline ng DepEd, at Department of Health (DOH) para sa muling pagbubukas ng mga paaralan, dahilan upang payagan para sa 100 percent na implementasyon ng in-person classes.

Ang bawat paaralan sa lungsod ay mayroong kanya-kanyang paraan sa pagsalubong sa mga mag-aaral, matapos ang mahigit na dalawang taon ng distance learning dahil sa pandemyang dala ng Covid-19.

vuukle comment

DEPED

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with