^

Probinsiya

15-anyos dalagita ginahasa sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Arestado ng mga awtoridad ang 20- anyos na binata matapos umanong suntukin at gahasain ang 15-anyos na dalagita sa kanyang kuwarto sa Brgy. Muzon ng nasabing siyudad kahapon ng madaling araw.

Kinilala ni P/Col. Rommel Ochave, Bulacan Police director ang suspek na si Shane Guerero, tubong Caloocan City habang ang biktima ay itinago sa pangalang “Jenny”, Grade 8, tubong Pampanga, at kapwa residente ng Brgy. Muzon.

Sa report ng pulisya, dakong alas-2:00 ng madaling araw sa bahay ng biktima sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, habang natutulog ang biktima ay may naramdaman itong lumalamas sa maseselang bahagi ng katawan niya.

Nagulantang siya nang makita ang pamangkin ng bayaw na nasa loob ng kuwarto niya.

Kinompronta niya ang suspek su­balit walang kaabog-abog ay sinuntok at pinagbantaan siya na papatayin sakaling manlaban ito.

Dahil dito, nagpatuloy ang pang-aabuso ng suspek sa nanghihinang katawan ng takot na takot na dalagita.

Nang makatiyempo, sinabi niya ang nangyari sa kanyang kapatid na babae na agad nagsumbong sa barangay kaya nahuli ang suspek at isinuko sa pulisya.

vuukle comment

SHANE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with