^

Probinsiya

2 sasakyan inararo ng truck: 1 dedo, 4 sugatan

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
2 sasakyan inararo ng truck: 1 dedo, 4 sugatan
Mabilis na inayos ng mga linemen ng Meralco ang mga poste ng kuryente na nasira nang madamay na masalpok ng truck na unang umararo sa dalawang sasakyan na ikinamatay ng isang rider at ikinasugat ng apat pang katao sa Antipolo City, Rizal kahapon.
Kuha ni Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Patay ang isang rider habang sugatan ang apat na iba pa nang araruhin ng isang truck ang dalawang sasakyan matapos mawalan umano ng preno habang bumabagtas sa pangunahing highway sa Antipolo City, Rizal kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang namatay na biktima na si Romy Peñaflor, 60, na pauwi na sana ng kanilang tahanan lulan ng kanyang motorsiklo nang maganap ang aksidente.

Samantala, bahagya namang nasugatan ang driver ng truck na si Benjamin Flor, kanyang dalawang pahinante, at driver ng isang kotse na ‘di pa pinangalanan.

Sa ulat, pasado alas-9:00 ng gabi nang maganap ang aksidente sa paliko at palusong na bahagi ng Sumulong Highway sa Antipolo City.

Sa kuwento ni Flor, kalalabas lang ng truck (NGS-4583) sa kasa at hindi niya inaasahang magkakaroon agad ng aberya sa unang biyahe nito. Aniya, pagsapit nila sa naturang lugar ay nawalan ng preno ang truck, kaya’t sinubukan niyang iiwas ito sa mga tao sa paligid ngunit nang nasa palusong na bahagi na ay hindi na umano niya ito nakontrol pa.

Dito na umano nahagip ng truck ang motorsiklo ni Peñaflor na kaagad namatay matapos makaladkad ng truck habang inararo rin ng truck ang isa pang nakaparadang kotse (PSO-953) na may sakay na driver. Nasalpok pa ng truck ang dalawang poste ng kuryente at ilang bollard ng isang gusali sanhi upang mawalan ng suplay ng kuryente sa lugar at maghahatinggabi na nang maibalik ito.

Hinala ng mga otoridad, posibleng nawalan ng balanse ang truck dahil mabigat ang dala nitong mga adhesive, na aabot sa 18,000 kilo.

vuukle comment

BOARD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with