^

Probinsiya

13-anyos ni-rape ng kapitbahay sa Bulacan

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

PULILAN, Bulacan, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng 13-anyos na dalagita matapos hima­tayin sa takot at halayin ng stay-in driver na kapitbahay sa isang bakanteng lote sa Brgy. Lumbac ng nasabing bayang ito ka­makalawa ng hapon.

Kinilala ni PCol. Rommel Ochave, acting Bulacan police director ang naarestong suspek na si Johnler Cruz, 35-anyos, binata ng Brgy. Lumbac ng nasabing bayan habang ang biktima ay iti­nago sa pangalang Cathy, Grade 8 student ng Pulilan, Bulacan.

Sa ulat, dakong alas 2:00 ng hapon nang maganap ang panghahalay sa biktima. Lumabas lang ng kuwarto ang biktima para umihi at nang makarinig ng sipol, doon ay biglang bumulaga sa harapan nito ang hayok na suspek. Agad siyang dinakma at tinutukan ng kutsilyo sa leeg dahilan para himatayin ang biktima.

Nagkamalay ang latang-lata na biktima sa isang bakanteng lote sa Brgy. Lumbac na umano’y wala nang saplot pang-ibaba. Nang makauwi, isinumbong ng biktima ang nangyari sa kanyang kaanak na siyang dumulog sa pulisya kaya nahuli ang suspek kalaunan.

vuukle comment

LUMBAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with