^

Probinsiya

Obrero namulot ng suso na pulutan sa dam, patay

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

TALUGTUG, Nueva Ecija, Philippines — Nasawi ang isang construction worker na namumulot lang ng suso para gawing mapulutan makaraang malunod sa malalim na bahagi ng isang dam sa Barangay Sto. Domingo ng bayang ito noong Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Jeddy Boy Yambot, 29-anyos, ng Barangay Bantug, Guimba, Nueva Ecija.

Sa ulat ng Talugtug Police, pasado alas-7 ng gabi, umiinom umano ng alak ang biktima kasama ang kanilang foreman na si Bernie Silva at apat pa niyang katrabaho. Hindi nagtagal ay napagpasyahan ng biktima, foreman at dalawang kasamahan na sina Mark Anthony Mallari at Rommel Gose na magtungo sa paligid ng dam at mamulot ng mga suso na kanilang iluluto at gagawin umanong pulutan.

Naengganyo umano ang biktima sa malamig at malinis na tubig ng dam kaya nagtungo umano ito sa kabilang bahagi nito at niyaya pa niya ang mga kasama na roon na mamulot ng suso.

Gayunman, dala umano ng kalasingan ng biktima, hindi nito namalayan na malalim pala ang napuntahan nitong bahagi hanggang sa lamunin ng tubig at malunod.

vuukle comment

BIKTIMA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with