^

Probinsiya

Binaril sa harap ng 2 kaibigan 41-anyos magsasaka todas sa ambush

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

ALIAGA, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang 41-anyos na magsasaka makaraang barilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang nagmamaneho ang biktima ng tricycle at lulan ang dalawa nitong kaibigan papauwi na sa kani-kanilang tahanan, sa Barangay San Felipe Matanda, dito, kamakalawa ng madaling-araw. 

Ayon sa pulisya, hindi na umabot nang buhay sa pagamutan ang biktimang si Alvin Derone ng Barangay Bibiclat, nasabi ring bayan, makaraang paputukan ng baril habang nagmamaneho ng kanyang tricycle. 

Dalawang lalaki umano na sakay ng isang hindi naplakahang single na motorsiklo ang nag-abang sa suspek bandang alas-3:30 ng madaling-araw, ayon sa pulisya.

Nabatid na hindi naman umano nasaktan sa pamamaril ang dalawang sakay na kaibigan ng biktima na nakilalang sina Michael Diaz at Louie Trinidad.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pananambang at kung sino ang nasa likod nito. 

vuukle comment

AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with