^

Probinsiya

8 tulak’ timbog sa serye ng buy-bust

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
8 tulak� timbog sa serye ng buy-bust
Sa ulat kay P/Col. Jess Mendez, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, aabot sa P48,040 ang halaga ng nakumpiskang umano’y shabu na may timbang na 7.86 gramo mula sa mga suspek.
STAR/File

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Arestado ang walong hinihinalang tulak ng droga kabilang ang isang babae matapos ang isinagawang serye ng drug buy-bust operations ng pulisya sa Gapan City at mga bayan ng Cabiao, Lla­nera at Sta. Rosa, lala­wigang ito, noong Sabado.

Sa ulat kay P/Col. Jess Mendez, provincial director ng Nueva Ecija Police Provincial Office, aabot sa P48,040 ang halaga ng nakumpiskang umano’y shabu na may timbang na 7.86 gramo mula sa mga suspek.

Kinilala ni Provincial Director Mendez ang mga suspek na sina Alexander Samson, 22, pintor ng Brgy. San Vicente, Gapan­ City, NE; Airone Dave Pangilinan, 23, jobless of Brgy. San Roque, San Leonardo, NE; Jhon Michael Santos, 26, gas attendant; at Emmanuel De Leon, 30, vendor at kapwa ng Brgy. San Anton, San Leonardo, NE; kasunod ang babaeng suspek na si Marizza Estrada, 40, dalaga ng Brgy. San Fernando Sur, Cabiao, NE; Lemuel Sarrodo, 45, tricycle driver ng Brgy. Ma­yapyap Sur, Cabanatuan City; Alvin Capulong 34, at Jayson Pablo 37, jobless, kapwa ng Brgy. Rajal Sur, Sta. Rosa, NE.

Napag-alaman na ang babaeng suspek na si Estrada, na naaresto ng Cabiao PNP, ang nakuhanan ng pinakama­laking halaga ng umano’y shabu sa 8 walong suspek. Aabot umano sa P33,000 na halaga ng ilegal na droga ang nakuha kay Estrada na nakalagay sa 4 na pirasong plastic sachet na may timbang na 6 gramo.

Nabatid naman na ang 4 na suspek na sina Samson, Pangilinan, Santos­ at De Leon ay nahuli ng Gapan City Police at nakuhanan ng pinagsamang 1.55 gramo ng umano’y shabu na nagkakahalaga ng P10,540.

Nahuli naman ng Lla­nera Police ang suspek na si Sarrodo habang sina Capulong at Pablo ay na­aresto ng Sta. Rosa Police.

Nakatakdang sam­pa­han ang 8 suspek ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with