^

Probinsiya

‘Robber’ kumasa sa pulis, todas sa shootout

Manny Tupas - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang hinihinalang magnanakaw ang napatay matapos umanong manlaban at makipagbarilan sa mga pulis sa Antipolo City, Rizal noong Huwebes.

Kinilala ang napatay na suspek na si Ronito Arcano na nagtamo ng tama ng mga bala sa katawan at idineklarang dead-on-arrival sa Rizal Provincial Hospital System Annex 2.

Sa ulat ng Calaba­rzon Police, ang barilan sa pagitan ng suspek na si Arcano at mga pulis ay naganap sa Barangay San Roque, Antipolo City dakong alas-4 ng hapon.

Nagsasagawa umano ng surveillance operation ang mga pulis laban sa mga hinihinalang magnanakaw nang maispatan si Arcano saka sinita.

Gayunman, bigla umanong bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang mga pulis sanhi upang gumanti ng putok ang mga operatiba na kanyang ikinabulagta nang tamaan ng bala sa katawan.

Narekober sa suspek ang isang kalibre .38 na baril at isang cellphone.

vuukle comment

SHOOTOUT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with