^

Probinsiya

Magsasaka utas sa road rage

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon
Magsasaka utas sa road rage

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija, Philippines — Idineklarang dead on arrival ang isang 40-anyos na lalaki makaraang barilin at takbuhan ng isang lalaking kanyang nakaaway sa trapiko sa may Sitio Cumabol, Zone 7, Barangay Caanawan ng lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi dahil sa tama ng bala sa dibdib ay nakilalang si Arsenio Rivera Jr., 40, may-asawa, magsasaka ng Zone 6, Barangay Caanawan.

Inaalam pa ng pulisya ang pagkakakilanlan ng tumakas na suspek na drayber ng traysikel.

Nabatid sa ulat na sa­kay ang biktima ng kanyang single na motorsiklo, na may plakang BO-75485,alas-8:20 ng gabi at angkas umano nito ang dalawang kaibigan na lalaki at naipit umano sa trapiko.

Sa puntong iyon ay nakasagutan umano ni Rivera Jr., ang suspek na may sakay umanong isang babae at sa hindi pa malinaw na kadahilanan ay nagtalo ang mga ito bumunot ng isang short firearm ang huli at ilang beses na pinaputukan ang biktima.

vuukle comment

ARSENIO RIVERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with