Vice Governor, misis arestado sa ‘estafa’
Dahil sa ‘investment scheme’
MANILA, Philippines — Inaresto ng mga pulis si Surigao del Sur Vice Governor Librado Navarro at kanyang misis na kapwa “wanted” dahil sa kasong “estafa”.
Ayon kay Caraga Police director Brig. Gen. Romeo Caramat Jr., sina Navarro, 64-anyos, at asawa niyang si Mylene, 47, ay dinakip sa kanilang bahay sa Barangay Poblacion dakong alas-10:30 ng gabi.
Sinabi ni Caramat na inaresto ang mag-asawang Navarro sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte ng Misamis Oriental para sa estafa.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng bise gobernador at misis nito.
Hindi nagbigay ng karagdagang detalye si Caramat sa kaso bagama’t sinasabing ito ay may kaugnay sa “investment scam” ng mag-asawa na nag-aalok ng malaking tubo sa perang ininvest ng mga complainant.
Lumalabas na si Navarro ay dating konsehal ng Talisayan town.
- Latest