^

Probinsiya

Paglalatag ng Circumferential Road sa Malolos City, sinimulan na

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon
Paglalatag ng Circumferential Road sa Malolos City, sinimulan na
Motorists drive past a road repair project along EDSA in Quezon City yesterday.
The STAR/Boy Santos, file

MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Nagsimula na ang konstruksiyon ng bagong Malolos Circumferential Road na matatagpuan ang unang bahagi nito sa panulukan ng Blas Ople Road at Malolos-Paombong-Hagonoy Road sa Barangay Anilao, dito.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH)- Bulacan First District Engineer Henry Alcantara, nasa P113 milyon na ang ­inisyal na nagugugol sa proyekto na isang multi-year program. Ibig sabihin, pinopondohan ng taunang pambansang badyet.

Ito ang pinakabagong road access sa lungsod mula nang magawa ang Blas Ople Road noong taong 1999, na nagbukas ng bagong ruta mula sa Malolos patungong Paombong at Hagonoy.

Sa pagkakaroon ng Malolos Circumferential Road, mapapaluwag nito ang daloy ng trapiko sa kabayanan ng lungsod at mabubuksan ang bagong daan patungo sa timog-kanluran ng Malolos. Mula sa barangay Anilao, tatahak ito sa mga barangay ng Sto. Niño, San Juan at Sto. Cristo.

Bukod sa paglalatag para sa dalawang linyang kalsada, natapos na ang konstruksiyon ng unang tulay dito na nasa Sitio Pulo sa Brgy. ­Anilao. May halagang P10 milyon ang nailaan para rito at target na inisyal na mabuksan ang nasabing daan ngayong 2022.

Isa ang Malolos Circumferential Road sa 9 na mga bagong access roads na nakalinyang ipagawa at matapos pagsapit ng taong 2030.

Ayon kay Malolos City Mayor Gilbert Gatchalian, malaking bagay ang suporta ng DPWH upang maisakatuparan ito dahil hindi kakayanin kung pondo lamang ng pamahalaang lungsod.

Bukod sa ginagawang bagong Circumferential Road, gagawin din ang Guinhawa-Bulihan Diversion Road na isa pang magiging bagong daan mula sa MacArthur Highway papunta sa Paombong at Hagonoy.

vuukle comment

ROAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with