5.3 magnitude na lindol tumama sa Occidental Mindoro
MANILA, Philippines — Niyang ng 5.3 magnitude na lindol ang Occidental Mindoro kahapon ng alas-8:09 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), ang sentro ng lindol ay tumama sa may 082 kilometro ng hilagang kanluran ng Lubang Occidental Mindoro.
Ang lalim ng lupa ng lindol ay umaabot naman sa 11 kilometro at tectonic ang dahilan ng pagyanig.
Wala namang napaulat na pinsala ng ari-arian sa naturang pagyanig pero sinasabing sanhi ito o “aftershock” sa naganap na 6.4 magnitude na lindol na tumama naman sa Oriental Mindoro noong Lunes.
- Latest