^

Probinsiya

‘Kusug Tausug’ umarangkada sa Pampanga

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umarangkada ang Kusug Tausug Party-list sa pag-abot sa mga lugar na tinitirhan ng mga kapatid na Muslim sa Pampanga sa pagpapatuloy ng kanilang kampanya para sa nalalapit na May 9 elections.

Pinuntahan ni Kusug Tausug first nominee Rep. Shernee Tan-Tambut ang komunidad ng mga Muslim sa Brgy. Sto Niño at San Rafael sa Guagua at mga lider-Muslim sa Arayat noong Marso 4.

Ang makasaysayang bayan ng Guagua ay nagsilbing tahanan ng libu-libong Muslim na lumipat dito mula sa Mindanao habang marami ring pamilya ng mga Muslim ang nani­nirahan sa Arayat.

Inilahad ng Kusug Tausug party-list ang kanilang layunin para sa Muslim community ukol sa malawakang pag-unlad, at hinimok ni Tan-Tanbut ang mga kapwa niya Muslim na tulungan siyang maparami ang kanilang kinatawan sa Kongreso.

Nauna rito’y sinaksihan ni Tan-Tanbut ang paglagda sa isang Peace Covenant na itinaguyod ng Comelec at pagbigkas ng Integrity Pledge ng lahat ng kandidato sa San Fernando, Pampanga. Dumalo rin siya sa konsultasyon ng mga purok lider ng Lubao na inorganisa ni Pampanga Vice Gov. Lilia “Nanay” Pineda.

Nagsagawa rin ng kampanya ang nasabing partylist group sa mga Imams at Kristiyano sa National Capital Region.

vuukle comment

NCR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with