^

Probinsiya

Nagdekwat ng bike kinuyog, bugbog-sarado sa taumbayan

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Ino­o­b­serbahan sa pagamutan ang isang 35-anyos na lalaki matapos na maku­yog at bugbog-sarado sa taumba­yan makaraan nitong tangayin ang mountain bike na ipinark lamang ng may-ari sa tapat ng isang kainan sa NIA Road, Brgy. Bayanan, Bacoor City kamakalawa ng hapon.

Naka-hospital arrest ngayon ang suspek na nakilalang si Ronnie Valles Imperial, 35-anyos ng Platinum, Brgy. San Nicolas 3 Extension, Bacoor City.

Sa imbestigasyon ni P/Cpl. Edilberto Reyes, Jr., habang abala sa trabaho sa isang ‘litson-manok’ eatery ang may-ari ng nasabing bike na si James William Aliga,  33- anyos, food handler, nang maganap ang insidente.

Naka-park umano ang mountain bike sa tapat ng nasabing puwesto nang dumating ang suspek. Inikutan nito ang nasabing bike at nang makakuha ng tiyempo ay mabilis na tinangay.

Nakita naman ng biktima ang pagtangay sa kanyang bike, kaya humingi ng tulong sa mga concerned citizen sanhi upang habulin nila ang suspek. Nang kanilang maabutan, dito na nila kinuyog at pinagbubugbog ang suspek.

Lamog ang suspek nang tigilan ng mga taong bayan na agad namang itinakbo sa pagamutan habang narekober naman ang mountain bike na tinangay nito.

vuukle comment

BIKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with