No.1 most wanted person, nadakma
TUGUEGARAO CITY, Cagayan , Philippines — Hindi na nakawala pa sa mga operatiba ng pulisya ang tinaguriang number 1 most wanted sa lalawigang ito matapos madakip sa bahagi ng Sitio Palaui, Barangay San Vicente sa bayan ng Sta.Ana kamakalawa.
Nakilala ang nadakip na suspek na si Edmundo Culasing, 42, ng Sitio Naguilian,Barangay Camiguin sa nabanggit na bayan.
Armado ng warrant of arrest, na ipinalabas ng RTC Branch 7, Aparri, Cagayan, ay dinakip si Culasing ng pinagsanib na pwersa ng Cagayan Provincial Intelligence Unit, Regional Group for Special Concern, Coast Guard Intelligence Group, North Eastern Luzon, Maritime Sta. Ana, Ballesteros Police Station at Sta. Ana Police Station dahil sa kasong murder at attempted murder.
- Latest